Napaulat na pagkasawi ng 19-anyos na babae sa Sinulog concert iniimbestigahan ng PDEA

Iniimbestigahan na ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Central Visayas ang ulat na mayroong nasawing 19-anyos na babae sa drug overdose sa isang concert para sa Sinulog celebration noong Jan. 19, arw ng Sabado.

Ayon kay PDEA Central Visayas spokesperson Leia Albiar-Alcantara

natanggap nila ang ulat hinggil sa pagkasawi ni Ashley Avila Abad noong January 21.

Nag-collapse umano si Abad sa kasagsagan ng concert na Plus63.

Ito ay taunang music and arts festival na ginanap sa Cebu Business Park.

Sinabi ni Alcantara na mayroong mga tauhan ng PNP at AFP sa concert venue para magtiyak ng seguridad.

Sinuri din aniya ng PDEA team ang venue bago pa magsimula ang konsyerto kasama ang K9 dogs.

Sa pahayag ng concert organizer, hatinggabi nang mag-collapse si Abad sa VIP deck area.

Agad umanong sinuri ng mga duktor sa lugar ang biktima at saka isinugod sa Perpetual Succour Hospital kung saan siya binawian ng buhay.

Read more...