Nakaalis na ng bansa si United States President Barack Obama matapos ang kaniyang pagdalo sa Asia-Pacific Economic Cooperation (Apec) summit.
Alas 12:10 ng tanghali nang umalis sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) si Obama.
Sa kaniyang pagdating sa bansa, muling tiniyak ni Obama ang kaniyang suporta sa PIlipinas at sa Southeast Asian nations sa territorial disputes.
Bagaman hindi kasama sa agenda ng APEC summit ang issue sa West Philippine Sea, sinabi ni Obama na dapat itigil ng China ang pagtatayo ng artificial islands sa pinag-aagawang South China Sea.
Binisita din ni Obama ang BRP Gregorio del Pilar na dating US Coast Guard Cutter at inanunsyo na mayroon pang $250 million na halaga ng maritime aid ang US sa Pilipinas.
MOST READ
LATEST STORIES