2 sugatan nang sumabit ang taxi sa nakalaylay na kable sa Pasay City

Sugatan ang driver ng taxi at kaniyang pasahero nang bumangga sa isang poste ng telepono sa Pasay City.

Sumabit ang Emanuelito Taxi na may plate number UZO 410 sa nakalaylay na kable ng telepono dahilan para mawalan ito ng kontrol.

Nabangga pa ng taxi ang poste na tumumba matapos ang pagkakabangga.

Kapwa minor injuries lamang ang tinamo ng dalawa.

Agad ding umalis ang pasahero patungong airport dahil sa pangambang maiwan siya ng flight.

Nabatid na lumaylay ang nasabing kable dahil nasabitan na ito ng isang malaking truck at hindi agad naiayos.

Read more...