Ang isdang Tawilis na ginagamit din sa paggawa ng sardinas ay nahuhuli lamang sa Taal Lake at natatanging fresh water sardine sa mundo.
Noon pa umano ay napapansin na ng mga mangingisda sa Taal Lake na paunti na ng paunti ang nahuhuli nilang Tawilis.
Inilagay na ng International Union for Conservation of Nature Red List (IUCN) ang Tawilis bilang endangered.
Sinabi ng National Academy of Science and Technology, mangangahulugan ito na malapit nang maging extinct ang nasabing isda.
Kabilang sa nakikita na dahilan ng pagkaubos ng isdang Tawilis ay dahil sa paghuli sa mga ito, environmental pollution, at pagdami naman ng ibang species ng isda gaya ng Tilapia.
MOST READ
LATEST STORIES