Lalaking namemeke ng ID arestado sa San Juan

Naaresto sa ikinasang entrapment operation sa San Juan City ang isang lalaking namemeke ng ID.

Sinalakay ng mga otoridad ang pwesto ng suspek na si Angelito Benipayo sa isang shopping center sa Greenhills.

Ito ay matapos na magreklamo ang isang estudyante at isang empleyado ng isang private school laban sa suspek.

Sinabi ni Sr. Supt. Dindo Reyes, hepe ng San Juan City police, kabilang sa mga nasabat mula kay Benipayo ang mga government ID, computer, printer at scanner.

Depensa naman ng suspek, hindi umano niya alam na bawal pala ang ginagawa niya.

Sinampahan ng reklamong falsification of private documents at paglabag sa Intellectual Property Code ang suspek.

Read more...