Daan-daang pasahero na naman ang napilitang maglakad para lamang makarating sa kanilang pinapasukan ngayong araw.
Bagamat bakasyon pa sa mga tanggapan ng gobyerno dahil sa APEC summit, balik trabaho na ang pribadong sektor.
Gaya noong Lunes, naabala ang maraming pasahero dahil sa pagsasara ng ilang mga kalsada gaya sa Roxas Boulevard at NAIA road.
Naglakad din ang marami dahil wala pa ring pampublikong sasakyan na dumadaan mula Evangelista hanggang sa Mall of Asia.
Maaga ring nagsikip ang daloy ang daloy ng trapiko sa bahagi ng Magallanes hanggang sa MOA at sa NAIA.
Tiniyak naman ng Philippine National Police na mamayang alas 4:00 ng hapon ay bubuksan na ang mga isinarang kalsada na bahagi ng APEC traffic scheme.
MOST READ
LATEST STORIES