Mga kinatawan ng TODA, ipatatawag ni Pangulong Duterte sa Malacañan

Ipatatawag ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga kinatawan ng Tricycle Operators and Drivers Association sa Palasyo ng Malakanyang.

Ito ay para pakinggan ang hinaing ng mga tricycle drivers sa bansa.

Ayon sa pangulo, wala kasi siyang sapat na oras kahapon sa Toda Summit sa Pasay City kung kaya mas makabubuti na magtungo na lamang ang mga kinatawan ng kanilang organisasyon.

Kasabay nito, pinag-aaralan na ng pangulo kung anong ayuda ang kanyang maaring ibigay sa mga tricycle drivers.

Isa sa mga nakikitang tulong ng pangulo ang pagbibigay ng libreng baterya sa loob ng limang taon.

Read more...