Pangulong Duterte nakatuon na ang atensyon kay MNLF Chairman Nur Misuari

Ngayong tapos na ang plebisito sa Bangsamoro Organic Law, naka-focus na ngayon ang atensyon ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Moro National  Liberation Front (MNLF) Founding Chairman Nur Misuari.

Ito ay para talakayin ang usaping pangkapayapaan sa pagitan ng gobyerno at MNLF.

Ayon sa pangulo, sisentro ang kanilang usapan ni Misuari sa paksa ng teritoryo.

Una rito, nakahinga na ang pangulo na lumamang ang ‘yes’ vote ng BOL sa ARMM at Cotabato.

Read more...