Pangulong Duterte nagtalaga ng bagong special envoy sa EU

Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Avelino Velasquez Cruz bilang special envoy sa European Union.

Base sa appointment paper na nilagdaan noong January 21, 2019, magsisilbing special envoy si Cruz simula January 1, 2019 hanggang December 31, 2019.

Papalitan ni Cruz si dating special envoy to European Union Jesus Dureza na itinalaga ng pangulo noong July 1 hanggang December 31, 2018.

Itinalaga rin ng pangulo ang sikat na industrial designer na si Kenneth Cobonpue bilang miyembro ng Design Advisory Council representing Private Sector na nasa ilalim ng Department of Trade and Industry.

Tatlong taon ang appointment ni Cobonpue.

Read more...