Lumusot sa ikalawang pagbasa ng Kamara ang House Bill 6517 o ang Philippine Medical Compassionate Medical Cannabis Act.
Layon ng bill, na pinanukala ni Isabela Rep. Rodolfo Albado, ang legalisasyon at regulasyon ng medical use ng marijuana na sinasabing may benepisyo at therapeutic use sa paggamot ng tinatawag na chronic o debilitating medical conditions.
Sa ilalim ng batas, magtatayo ng Medical Cannabis Compassionate Centers (MCCC) na awtorisadong magbenta, mag-supply at mag-dispense ng marijuana sa mga kwalipikadong pasyente o kanilang caregivers sa pamamagitan ng S3-licensed pharmacists.
Ang batas ay magbibigay-daan din sa pagtatayo ng Medical Cannabis Research and Safety Compliance Facilities na ang mandato ay magsagawa ng pag-aaral sa medical use ng cannabis.