WATCH: Dagdag na trabaho at negosyo para sa mga lalawigan, target ni Enrile sa Senado

Photo grab from “Itanong Mo Kay Manong Johnny” program, Radyo Inquirer 990 & Inquirer 990 Television

Prayoridad ni dating Senate President Juan Ponce Enrile na mabigyan ng pagkakataon ang mga tambay sa bansa na magkaroon ng mga bagong trabaho.

Sa kanyang programang “Itanong mo kay Manong Johnny” sa Radyo Inquirer 990AM at Inquirer 990 Television, sinabi ni Enrile na malaki ang pontensyal ng bansa para sa foreign investment.

Partikular na gustong isulong ng dating mambabatas na buhayin ang job opportunities lalo na sa mga lalawigan.

Sa pamamagitan nito ay hindi na kailangang makipag-sapalaran pa sa Metro Manila ng mga job seekers ayon pa kay Enrile.

Kanya ring ipinaliwanag na mas lalong sisigla ang ekonomiya ng bansa kapag mas malaking pera ang umiikot sa merkado dulot ng dagdag na mga trabaho.

Tulad ng kanyang pangakong “gusto ko happy ka”, sinabi ni Enrile na bilang isang beteranong lingkod bayan ay marami pa siyang magagawang batas na tutulong sa pagsusulong ng kabuhayan ng mga ordinaryong Pinoy.

Mabilis anya ang pagbabago sa galaw ng mundo at hindi dapat na mahuli ang mga Pinoy dito.

Read more...