Mga pulis na nalusutan ng drug den sa Navotas City sinibak

Inquirer file photo

Sinibak ni Philippine National Police (PNP) chief Director General Oscar Albayalde ang precinct commander at dalawang intelligence officers ng Navotas Police Station dahil sa kawalan ng aksyon sa mga drug den na kamakailan ay ni-raid ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Inihayag ito ni Albayalde matapos masagip ng PDEA ang 12 menor de edad sa mga drug den sa Barangay North Bay Boulevard North.

Sa naturang operasyon ay naaresto ng PDEA ang 16 na drug suspects.

Ayon sa PNP chief, kung ilang taon ng may drug den sa lugar ng naturang mga pulis ay imposibleng hindi nila alam.

Hindi matanggap ni Albayalde ang excuse ng mga pulis dahil responsibilidad nilang mag-operate laban sa mga drug den.

Kinilala ang mga sinibak na pulis na sina Inspector Resty Descalzo, commander ng Police Community Precinct 3 sa Navotas City at ang intelligence officers na sina PO3 Randy Belly at PO1 Jejomar Padasas.

Read more...