Ipinasasalo ni Senator Ping Lacson sa gobyerno ang paglalaan ng pondo para sa pagpapagawa ng mga rehabilitation facilities para sa mga menor-de-edad na lumalabag sa mga batas.
Ito ay base sa datos na mayorya sa mga lokal na pamahalaan sa bansa ay wala pang ‘Bahay Pag-asa’ dahil sa kakulangan ng pondo.
Ang Bahay Pag-asa ang siyang magiging pansamantalang pasilidad na paglalagyan na mga youth offenders habang dinidinig ang kanilang mga kaso.
Aniya ang pagpapatayo ng Bahay Pag-asa ay nakasaad sa Juvenile Justice Act o ang Republic Act 10630.
Sinabi pa ng senador na ang pondo para sa pagpapatayo ng rehab facilities ay maaring matalakay sa bicameral conference committee na tumatalakay sa P3.7 Trillion 2019 national budget.
Ginawa ni Lacson ang panukala kasabay ng mainit na mga debate sa mga hakbang na maibaba sa 9-taon gulang ang ‘criminal age liability.’