National Plebiscite Board of Canvassers bukas na magco-convene

Comelec Photo

Bukas na lang magco-convene ang national board of canvassers matapos pansamantala itong itinigil kahapon.

Ayon kay Comelec Spokesman James Jimenez, bukas na ng alas 2:00 ng hapon magco-convene ang board of canvassers.

Bago mag-alas 12:00 kahapon ng tanghali nang magdesisyon ang board na i-adjourn na ang canvassing.

Pansamantalang itinigil ng National Plebiscite Board of Canvassers ang pagbibilang ng mga boto kaugnay sa ginanap na unang araw ng plebisito para sa ratiikasyon ng Bangsamoro Organic Law.

Ipinaliwanag ng Commission on Elections na mula kahapon hanggang ngayong araw ay wala pa ring dumarating na iba pang mga statement of votes mula sa Mindanao.

Read more...