Ito ay base sa report na inilabas ng Commission on Audit (COA).
Batay sa itemized list na nilagdaan ni supervising auditor Olympia Balugay, ang nasabing halaga ay ginastos ng tanggapan ni Pimentel para sa pampasweldo sa mga staff at iba pang benepisyon na umabot sa P49.2 million, sumunod ang professional at consultancy fees na umabot sa P15.7 million.
Mayroon ding extraordinary at miscellaneous expenses ang tanggapan ni Pimental na umabot saP11.7 million mula Enero 1 hanggang Disyembre 31, 2017.
Nakasaad din sa COA report na si Senator Antonio Trillanes IV ang second highest spender sa senado na umabot sa P87 million.
Ang nasabing halaga ay ginastos sa consultancy fees, pa-sweldo at benepisyo.
Narito naman ang halaga ng ginastos ng iba pang tanggapan ng mga senador:
Sen. Manny Pacquiao (P86.4 million)
Sen. Risa Hontiveros (P85.2 million)
Sen. Bam Aquino (P85 million)
Sen. Ralph Recto (P84.4 million)
Sen. Joel Villanueva (P63.2 million)
Ayon naman kay Pimentel, inaasahan na niya na siya ang makapagtatala ng biggest expenses para sa taong 2017 bilang Senate President.
Pinaglalaanan aniya ng mas mataas na budget ang tanggapan ng Senate Presidente dahil sa mga dagdag na responsibilidad at tungkulin.