NIA engineer patay sa pananambang sa Maguindanao

Patay ang isang mataas na opisyal ng National Irrigation Administration (NIA) sa Maguindanao matapos siyang pagbabarilin ng mga suspek na sakay ng motorsiklo.

Ayon kay Maguindanao Police Provincial Office chief, Senior Superintendent Magzali Mukaram ang biktima ay nakilalang si Engr. Joseph Adam, dating municipal engineer sa Datu Montawal at ngayon ay engineer ng NIA na nakatalaga sa Malitubog-Maridagao Irrigation Project (MALMAR) sa Pikit.

Ayon sa mga otoridad, sakay ng kotse ang biktima galig sa bayan ng Pikit at pauwi sa kaniyang bahay sa Kabacan.

Pinagbabaril umano ng mga suspek ang kaniyang sasakyan sa bahagi ng Barangay Pagagawan sa Datu Montawal.

Nagtamo si Adam ng maraming tama ng bala sa katawan at nabangga ang kaniyang sasakyan sa isang poste ng kuryente sa Cotabato-Davao highway.

Sinubukan pang itakbo sa ospital ang biktima pero idineklara itong dead on arrival.

Ayon sa mga otoridad sa Datu Montawal, maaring away-pamilya ang motibo sa pananambang o ‘di kaya na naman ay may kaugnayan ito sa kaniyang trabaho.

Read more...