Mambajao, Camiguin niyanig ng lindol

Niyanig ng magnitude 3.1 na lindol ang bayan ng Mambajao sa lalawigan ng Camiguin.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 4 kilometers Southeast ng bayan ng Mambajao alas-4:49 umaga ng Miyerkules, January 23.

May lalim na 28 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Wala namang naitalang pagkasira ng mga ari-arian, intensities at aftershocks.

Read more...