Mag-live in partner arestado sa buy-bust sa QC

Arestado ang mag-live-in partner sa ikinasang buy-bust operation sa Cubao, Quezon City.

Nakumpiska sa mga suspek ang 14 na sachet ng hinihinalang shabu.

Ayon kay Senior Insp. Ramon Aquiatan Jr. ng Cubao Police Station, modus ng dalawa na magpanggap na namamasada pero ang totoo ay nagdedeliver sila ng droga sa kanilang mga kliyente.

Bago maaresto ang dalawa ay nauna nang nahuli ng mga pulis ang kapatid ng lalaking suspek.

Iyon umano ang nagsumbong sa magkasintahan bilang source niya shabu.

Mahaharap sila sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Read more...