Chris Brown, nakulong sa Paris dahil sa reklamong rape

Inquirer file photo

Nakakulong sa Paris si US singer Chris Brown at dalawang iba pa matapos magreklamo ng rape ang isang babae laban sa kanila.

Inihain ang reklamo sa pulisya sa bahagi ng northwest Paris.

Sinabi ng isang police official na ang dalawang pang nakakulong ay mga bodyguards ni Brown.

Lunes nang arestuhin ang singer at hanggang Martes araw sa Amerika ay nasa kustodiya pa rin ito ng pulisya habang pinag-aaralan ng pulisya ang reklamo.

Wala namang agarang komento o pahayag ang publicist ni Brown na Sony Music.

Ilang beses nang nasangkot sa kaso si Brown mula nang mag-plead ito ng guilty sa felony assault noong 2009 bunsod ng reklamo ng dati nitong girlfriend na si Rihanna.

Nakumpleto ni Brown ang probation sa kaso nito noong 2015.

Read more...