Flight schedule ng ilang delegado binago, bahagi ng EDSA muling isasara sa loob ng 2 oras

NOV 20 TRAFFICMatapos buksan na sa mga motorista ang bahagi ng EDSA southbound alas 10:00 ng umaga kanina, ay may ikalawang bahagi pa ng lockdown para bigyang daana ng pag-alis sa bansa ng ilang APEC summit delegates.

Sa update mula sa Metropolitan Manila Development Authority, unang ipinatupad ang pagsasara sa bahagi ng EDSA southbound mula Ayala Blvd., hanggang Arnaiz Avenue hanggang Magallanes Complex ngayong umaga hanggang alas 10:00 ng umaga.

Gayunman, dahil sa pagbabago sa flight schedule ng ilang delegado ay muling magpapatupad ng lockdown sa nasabing bahagi ng EDSA.

Narito ang updated lockdown / total closure advisory mula sa MMDA:

– Roxas Blvd. from Manila Hotel P. Burgos to NAIA Rd. (until 4PM)
– EDSA-Ayala Blvd. to Arnaiz Avenue to Magallanes Complex (9:30AM – 10:00AM and 11:30AM – 1:30PM)
– Magallanes to Skyway / SLEX to NAIA Terminal 3 SB (8AM – 10AM and 11:30AM – 1:30PM)
– East Service Rd (PNR) SLEX Exit to Magallanes NB (8AM – 10AM and 11:30AM – 1:30PM)
– SLEX / Skyway Ramp (SB) exit to NAIA Terminal 3 (8AM – 10AM and 11:30AM – 1:30PM)
– NAIA Rd Terminal 1 (9AM – 12:15PM and 1:45PM – 3:00PM)

Read more...