Nakaalis na ng bansa si Canadian Prime Minister Justin Trudeau matapos dumalo sa Asia-Pacific Economic Cooperation summit mula Nov 18 hangang 19.
Pormal na nagtake-off ang eroplanong sinasakyan ng Prime Minister alas 9:15 ng umaga.
Sa kaniyang pananatili sa bansa bigo si Trudeau na direktang masagot kung paano sosolusyunan ang basurang galing Canada na itinapon sa Pilipinas.
Sa halip sinabi ng Prime Minister na ang solusyon sa isyu ay binubo na ngayon ng Canada.
Ayon kay Trudeau sa susunod na may mangyaring parehong insidente ay may kapangyarihan na ang Canadian Government para gumawa ng hakbang laban sa mga kumpayang responsable sa pagtatapon ng mga basura.
MOST READ
LATEST STORIES