Manila Zoo pansamantalang isasara simula bukas

Inquirer file photo

Iniutos na ni Manila Mayor Joseph Estrada ang pansamantalang pagsasara ng Manila Zoo.

Ito ay upang bigyang-daan ang rehabilitasyon ng Manila Bay, na mag-uumpisa sa January 27, 2019.

Matatandaan na sinabi ng Department of Environment and Natural Resources o DENR na ang Manila Zoo ang isa sa “major pollutant” sa Manila Bay dahil sa kawalan ng sariling sewage treatment plant o STP.

Ayon kay Atty. Eric Alcovendaz, city administrator ng Manila LGU, simula bukas (January 23) ay isasara na sa publiko ang Manila Zoo.

Sa isang memorandum, binanggit na batay sa rekomendasyon ng Office of the City Administrator at Department of Engineering and Public Works, mainam na isara pansamantala ang Manila Zoo para sa “proper assessment and study.”

Bunsod ng temporary closure ng Manila Zoo, inaasahan din ang pagpapatayo ng water facilities treatment o sewerage treatment plant para sa naturang zoo.

Muli ring iginiit ni Estrada ang buong-suporta ng lungsod ng Maynila sa rehabilitasyon ng Manila Bay.

Read more...