West Sumba Indonesia muling nilindol, lakas umabot sa magnitude 6.

Iniulat ng The Meteorology, Climatology and Geophysics Agency (BMKG) na muling tumama ang magnitude 6.7 na lindol sa East Nusa Tenggara ng West Sumba sa Indonesia dakong 1:59 ng hapon oras sa lugar.

Ilang oras bago nito ay nakaranas ang lugar ng tatlong mahihinang lindol ang mga residente doon.

Una ay magnitude 6 na lindol dakong 6:59 ng umaga araw ng Martes na sinundan ng dalawang aftershocks na magnitude 5.2 at 3.2 makalipas ang isang oras.

Sa dagat ang epicenter ng malakas na magnitude 6.7 na lindol na ang lokasyon ay 120 kilometers southwest ng Waikabubak sa West Sumba at may lalim na 10 kilometro.

Wala pang iniuulat na casualties sa nasabing malakas na pagyanig.

Read more...