Maagang nag-adjourn ngayong araw ang canvassing ng Commission on Elections o Comelec En Banc para sa unang bugso ng plebesito sa Bangsamoro Organic Law o BOL.
Nauna nang nag-convene ang Comelec En Banc bilang National Plebiscite Board of Canvassers, sa punong tanggapan ng Comelec sa Palacio del Gobernador sa Intramuros sa Maynila.
Pero dahil alas 11:30 ng umaga ay wala pang certificates of canvass of votes o COCV at statement of votes o SOV para sa BOL plebiscite na natatanggap ang lupon, nag-adjourn na lamang ang En Banc.
Bunsod nito, nagpasya ang Comelec na mag-reconvene lamang ang canvassing bukas (January 23) simula ala-una ng hapon.
Umaasa ang poll body na may available nang certificates bukas, upang maisagawa na ang canvassing.
MOST READ
LATEST STORIES