Pagpasa ng senado sa panukalang pambansang budget ikinatuwa ng Malakanyang

Ikinatuwa ng Malakanyang ang pagpasa ng Senado sa ikatlo at huling pagbasa sa 2019 national budget.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, batid ng mga mambabatas ang kahalagan ng pagpasa sa pambansang pondo at isasapinal na sa bicameral conference committee deliberations.

Sinabi pa ni Panelo na sakaling maaprubahan na ang pambansang pondo, agad nang aarangkada ang implementasyon ng mga bagong proyekto na ikinasa ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa taong 2019.

Bukod dito sinabi ni Panelo na mailalatag na rin ang mga hakbang para mapalakas pa ang economic performance ng bansa.

Walang duda ayon kay Panelo na ang pag apruba sa pambansang pondo ang magsisilbing daan sa pag unlad ng bansa.

Labingapat na senador ang lumagda sa pagpasa sa pambansang pondo habang wala o zero abstention at zero sa negative vote.

“The Palace is pleased to know that the Senate has passed on third and final reading the proposed 2019 National Budget. We note that our lawmakers are treating the matter as urgent as they are about to finalize the 2019 National Budget in the bicameral conference committee deliberations,” ayon kay Panelo.

Read more...