Mga militante muling sumugod sa Mendiola; ika-32 anibersaryo ng Mendiola massacre, ginunita

Anakpawis Photo

Ginunita ngayong araw ng mga militanteng grupo at mga kaanak ng mga nasawi sa tinaguriang Mendiola Massacre ang malagim na sinapit ng kanilang mga mahal sa buhay.

Nagsagawa ng rally sa Mendiola ang iba’t ibang grupo para gunitain ang Mendiola massacre na naganap noong January 22, 1987.

Ito na ang ika-32 anibersaryo ng Mendiola massacre.

Nagmartsa ang mga miyembro ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas, Anakpawis at iba pang kaalyadong grupo patungo sa Mendiola galing sa España.

Bitbit nila ang mga placards nananawagan ng hustisya ang mga ito para sa mga biktima ng massacre at para sa anila’y nagpatuloy na social injustice sa kanilang hanay.

Nagprograma ang grupo sa bahagi ng Mendiola habang nakabantay ang mga tauhan ng Manila Police District (MPD).

Umapela sila sa pamahalaan na ipamahagi ng libre ang mga lupain ng gobyerno at tigilan ang tinatawag na Land Use conversion.

Read more...