MILF itinangging nanggulo sila sa BOL plebiscite

Comelec Photo

Itinanggi ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang mga akusasyong sila ang nasa likod ng mga kaguluhang naganap sa Bangsamoro Organic Law (BOL) plebiscite.

Ayon kay MILF chairman for political affairs Ghazali Jaafar walang sapat na pondo ang kanilang grupo para makabili ng boto.

Kinumpirma rin ni Jaafar na ilan sa MILF members ang nagtungo sa Cotabato City noong Lunes para sa plebisito pero hindi aniya nanggulo ang mga ito.

Sinabi rin ni Jaafar na nais nila talaga na mapasama ang Cotabato sa Bangsamoro government pero sa demokratikong pamamaraan at hindi nang dahil sa pamimilit.

Una rito, sinabi ni Cotabato Mayor Cynthia Guiani-Sayadi na libu-libong MILF members ang nanakot sa mga botante sa kasagsagan ng plebisito.

Read more...