Concert sa Hongkong at Singapore kinansela ni Lea Salonga matapos ang ski injury sa Japan

Kasunod ng aksidente habang nagbabakasyon sa Japan, kinansela ni Lea Salonga ang nakatakdang concert sa Hongkong at Singapore.

Sa kanyang Instagram account, inihayag ng singer na pinayuhan siya ng doktor na magpahinga dahil sa skiing injury na naranasan nito sa Hokkaido noong isang linggo.

Kinakailangan daw ni Lea na magpahinga ng ilang buwan para maka-recover at maibalik sa dati ang kundisyon ng paa.

“I’ve just been seen by my doctors and they are saying that the recovery time for this is gonna be pretty long and I’m not gonna be allowed to travel for the next few months,” ani Lea sa Instagram Story.

Nangako naman ito na sinisikap nilang i-reschedule ang kanyang shows sa Hongkong at Singapore.

Read more...