Sen. Manny Pacquiao nasa maayos na kondisyon ayon kay Buboy Fernandez

AP photo

Pinawi ni Buboy Fernandez ang pangamba hinggil sa naging problema sa kaliwang mata ni Senator Manny Pacquiao.

Ayon kay Fernandez, nasuri naman ng mga duktor ang mata ni Pacquiao matapos ireklamo ng pambansang kamao ang pananakit at tila panlalabo nito matapos niyang talunin si Adrien Broner sa kanilang laban.

Ayon kay Fernandez, maaring ang problema sa mata ni Pacquiao ay dahil sa tama ng gloves ni Broner.

Matapos ang laban, lagi nang may suot na dark eyeglasses ang pambansang kamao.

Iniutos umano ng mga duktor na ipahinga ang mata ni Senator Pacquiao sa loob ng tatlong araw.

Ang mahalaga ani Fernandez ay ligtas ang people’s champ.

Read more...