Pambato ng Pilipinas sa Miss Multinational 2018 bigong maiuwi ang korona; umabot sa top 5

Photo: Miss World Philippines Organization

Bigo ang pambato ng Pilipinas na maiuwi ang korona sa Miss Multinational 2018 pageant na ginanap India.

Pero umabot sa top 5 ang pambato ng Pilipinas na si Kimi Mugford sa coronation night sa New Delhi, Lunes ng gabi.

Maliban sa nakapasok siya sa top 5, nagwagi din si Mugford sa Sports Challenge ng pageant.

Ang pambato ng US na si Daniela Nieto ang itinanghal na Miss Multinational 2018.

Binati naman ng Miss World Philippines si Mugford sa kaniyang tagumpay.

Magugunitang ang pambato ng Pilipinas na si Sophia Senoron ang may hawak ng koronang Miss Multinational 2017.

Read more...