Temperatura sa Baguio City ngayong araw bumagsak sa 10.4 degrees Celsius

Bumagsak sa 10.4 degrees Celsius ang pinakamababang temperatura na naitala sa Baguio City ngayong araw ng Martes, Jan. 22.

Ayon sa Civil Defense Cordillera, base sa monitoring ng PAGASA Baguio Synoptic Station, naitala ang nasabing temperatura sa lungsod alas 5:00 ng umaga.

Mas mababa ito kumpara sa naitalang 13.2 degrees Celsius sa Baguio City kahapon, Jan. 21.

Ito na ang pinakamababang temperatura sa Baguio City ngayong Enero 2019, matapos ang 12 degrees Celsius na naitala noong Jan. 15.

Habang sa kasaysayan ay 6.3 degrees Celsius ang pinakamababang temperatura ang naitala sa Baguio noong Jan. 19, 1961.

Read more...