Mga dayuhang mamamahayag na nag-cover ng BOL plebiscite, titiyaking ligtas ng Palasyo

Inquirer Photo | Julie Alipala

Inatasan ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar ang Office of the Global Media Affairs na bigyan ng kaukulang tulong ang mga dayuhang mamamahayag na nasa bansa ngayon at tumututok sa resulta ng plebesito ng Bangsamoro Organic Law (BOL).

Paliwanag ni Andanar, hindi lamang kasi local media ang nag-aabang sa resulta ng BOL kundi maging ang mga dayuhan mula sa iba’t ibang bansa.

Sinabi pa ni Andanar na hindi lang ang mga media ang tinututukan ngayon ng Office of the Global Media Affairs kundi maging ang mga international observers.

Sinabi pa ng kalihin na isang buwan nila itong pinaghandaan kabilang na ang pagbibigay ng seguridad sa mga journalists na magco-cover sa nasabing event.

Ilan sa mga tulong na inihanda ni Andanar ay ang pakikipag-usap sa Department of Defense (DND) para mapagamit ang C130 ng Philippine Airforce na maghahatid sa mga reporters na tututok sa plebesito ng BOL.

Read more...