Drug suspect patay sa buy-bust sa QC

Police banner

Patay ang isang hinihinalang tulak ng bawal na gamot sa Brgy. Alicia sa Quezon City matapos na manlaban sa mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) na nagsagawa ng buy-bust operation laban sa suspek.

Kinilala ang nasawi sa alyas na Cris Baba na dead-on-the-spot matapos makipagbarilan sa mga operatiba ng District Station Operations Unit (DSOU) at District Drug Enforcement Unit (DDEU).

Sa inisyal na imbestigasyon aabot sa P50,000 ang halaga ng shabu na nabili ng mga pulis sa suspek pero ng matunugan nito na pulis ang kanyang ka transaksyon, binunot nito ang baril at pinaputukan ang mga pulis.

Wala nang nagawa ang mga otoridad kundi ang gumanti ng putok na agad kinasawi ng suspek.

Nakuha sa suspek ang 5 sachet ng hinihinalang shabu na may bigat na 25 grams, isang kalibre 45 baril na may limang mga bala, P50,000 boodle money, cellphone at motorsiklo.

Patuloy naman ang QCPD sa paghahanap pa ng iba pang tulak ng bawal na gamot sa lugar.

Read more...