4 arestado sa operasyon kontra illegal na droga sa QC

Arestado ang apat na katao sa operasyon kontra illegal na droga na ikinasa condominium sa Barangay Bagong Lipunan ng Crame sa Quezon City.

Target ng operasyon ng mga otoridad ang isang alyas Analyn na siyang nangungupahan sa nasabing condo unit.

Maliban kay Analyn naaresto din ang tatlo pa niyang kasamahan kabilang ang isang lalaki na umano ay kaniyang supplier.

Nakuha ng mga otoridad ang tinatayang nasa P200,000 halaga ng ilegal na droga at isang digital na timbangan.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Read more...