Pabor ang nakararaming Filipino Muslims sa bansa na maipasa ang Bangsamoro Organic Law.
Sa isinagawang survey ng Social Weather Stations (SWS) noong Disyembre, lumitaw na sa 79 percent ng Muslims sa buong bansa ang pabor sa approval ng BOL.
Mayroon lamang 7 percent ang nagsabing ayaw nilang maaprubahan ang BOL habang mayroon namang 4 percent na undecided.
Sa sandaling maaprubahan sa pamagitan ng plebisitio, ay bubuo ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao na papalit sa kasalukuyang ARMM.
Lumitaw din sa survey ng SWS na 78 percent ng Filipino Muslims ang may kaalaman hinggil sa BOL, 10 percent sa kanila ang nagsabing extensive ang kanilang kaalaman sa BOL, 35 percent ang nagsabing partial pero sufficient ang kanilang nalalaman at 33 percent ang nagsabing may kaunti silang nalalaman sa BOL.