10 tripulante patay, 14 nailigtas sa nasunog na barko sa Crimea sa Eastern Europe

AFP Photo
Patay ang sampung tripulante habang nailigtas ang labingapat na iba pa nang masunog ang dalawang barko sa karagatan malapit sa Crimea sa Eastern Europe.

Ayon sa transport ministry ng Russia, ang dalawang Tanzanian Flag ship na ‘Candy’ at ‘Maestro’ ay nagliyab habang nagsasagawa ng ship-to-ship fuel transhipment.

Sakay ng dalawang barko ang aabot sa 31 crew members nito.

16 sa kanila ay Turskish at 15 ang Indian.

Nakita umanong nagtatalunan na ang mga crew ng dalawang barko habang ito ay nagliliyab.

Inaalam pa kung ano ang naging dahilan ng pagsiklab ng apoy.

Read more...