PNP may bagong tagapagsalita

PNP Photos

May bago nang talagapagsalita ang Philippine National Police.

Itinalagang acting chief ng Public Information ng PNP si Police Sr. Supt. Bernard Mollanida Banac.

Epektibo ang pagiging PNP spokesperson ni Banac simula ngayong araw Jan. 22.

Si Banac ay naging hepe ng Sorsogon police noong 2014.

Papalitan ni Banac si Chief Supt. Benigno Durana Jr. na naitalaga naman bilang acting director ng Directora for Police Community Relations ng PNP.

Ang bagong designation nina Durana at Banac ay base sa kautusan ni PNP Chief, Director General Oscar Albayalde at nilagdaan ni Police Deputy Director Gereral Camilo Cascolan na hepe ng Directorial Staff ng PNP.

Read more...