North Avenue patungong elliptical road isasara sa mga motorista mula ngayong umaga

Asahan na ang mas mabigat pang daloy ng traffic simula ngayon araw sa bahagi ng elliptical road sa Quezon City.

Sa abiso ng MMDA, sarado na ang North Avenue palabas ng Circle simula alas 6:00 ng umaga ng Martes, Jan. 22. Pero bago mag alas 7:00 ng umaga ay bukas pa ang kalsada.

Pinapayuhan ang mga motorista na galing North Avenue at patungo ng Quezon Memorial Circle na gumamit na lamang ng alternatibong ruta.

Kung galing North Ave, maaring kumanan na lamang sa Agham Road, kumaliwa sa Quezon Avenue patungong elliptical road.

Ito ay dahil pa rin sa nagpapatuloy sa MRT-7 construction prooject.

Ayon kay MMDA General Manager Jojo Garcia, layon din ng closure na masolusyunan ang chokepoint sa lugar na nagdudulot ng mabigat na daloy ng traffic.

Base sa datos ng MMDA, 8,728 na sasakyan ang bumabagtas sa Elliptical Road kada araw habang 1,419 na sasakyan ang bumabagtas sa North Avenue patungong Quezon Memorial Circle tuwing rush hour sa umaga.

Read more...