Ayon sa PAGASA, dahil sa epekto ng LPA ang Bicol Region, Eastern Visayas, Caraga Region, Davao Region, Misamis Oriental, Bukidnon at Camiguin ay makararanas ng maulap na kalagitan na may kalat-kalat na pag-ulan ngayong araw.
Isolated na mahihinang pag-ulan naman ang mararanasan sa nalalabing bahagi ng Visayas.
Mahinang pag-ulan naman sa Cagayan Valley, lalawiugan ng Aurora at Quezon mailap na kalangitan na may mahinang pag-ulan dahil sa Amihan
Sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon ay maaliwalas ang panahon na may posibilidad na mahinang pag-ulan.
Nakataas pa rin ang gale warning sa mga baybayin ng Batanes, Babuyahn Group of Islands, Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Cagayan, Isabela, Aurora, Camarines Provinces, Catanduanes, Eastern Coast ng Albay, Sorosogon at Quezon kabilang ang Polilio Islands.