Taas-presyo sa produktong petrolyo epektibo na ngayong umaga

Epektibo na ngayong umaga ang taas-presyo sa produktong petrolyo ng mga kumpanya ng langis.

Alas sais ng umaga ipinatupad ang dagdag na 10 centavos sa kada litro ng gasolina, 40 centavos sa kada litro ng diesel at 15 centavos sa kada litro ng kerosene ng mga kumpanyang Shell, Sea Oil, Flying V, Caltex, at Petron.

Ang mga kumpanyang PTT, Total, Phoenix, Petro Gazz, Jetti at Unioil naman ay may parehong dagdag sa kanilang produktong gasolina at diesel.

Ang dagdag presyo ay kasunod ng paggalaw sa presyo ng produktong petrolyo sa pandaigdigang pamilihan.

Read more...