Naging low pressure area o LPA na lamang ang Tropical depression “Amang.”
Sa PAGASA weather bulletin, Lunes 8:00 ng gabi, tinanggal na ang lahat ng tropical cyclones pero iiral pa rin ang mahina hanggang katamtamang ulan sa Catanduanes, Camarines Sur, Albay, Sorsogon at Northern Samar sa susunod na 24 oras dahil sa epekto ng bagyong naging LPA at tail end of cold front.
Babala ng PAGASA, ang naturang mga lugar ay posible pa ring makaranas ng malakas na pag-uulan.
Pinayuhan ang mga residente na makipag-ugnayan sa mga otoridad at mag-monitor ng PAGASA update.
Mapanganib pa rin ang paglalayag ng maliliit na sasakyang pandagat sa seaboards ng northern Luzon at eastern seaboards sa ng Central Luzon, southern Luzon at Visayas dahil sa amihan.
Dahil sa masamang panahon, suspendido ang klase, all levels private and public sa Camarines Sur at Sorsogon sa Martes, January 22.