Autopsy report ng mag-asawang namatay sa Maldives inilabas na

FB photo

Lumabas sa autopsy ng mag-asawang nag-honeymoon sa Maldives na namatay ang mga ito dahil sa pagkalunod at cardiac arrest.

Ayon sa ama ni Leomer Lagradilla, nakasaad sa autopsy report na namatay ang anak niya sa cardiac arrest habang ang asawa nitong si Erika ay nalunod.

Naiuwi na sa bansa ang mga labi ng mag-asawa noong Sabado at nakaburol sa kani-kanilang bayan sa Laguna.

Nagpasalamat ang pamilya nina Leoner at Erika sa mga tumulong sa repatriation ng mga labi ng mag-asawa.

Nakatakdang ilibing ang dalawa sa Lumban Memorial Cemetery sa Laguna sa January 26.

Ikinasal sina Leomer at Erika noong December 2018 at nagpunta sa Maldives para sa kanilang honeymoon pero nasawa sa gitna ng snorkeling noong January 13.

Read more...