DFA: Walang nawalang data mula sa mga passport holder

Inquirer file photo

Sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA) na nasa kustodiya at kontrol na ng ahensya ang lahat ng passport data.

Ayon sa DFA, hindi na-share o naibahagi o na-access ng sinumang hindi otorisadong partido ang lahat ng data sa passport.

Sa isang statement ay tiniyak ng DFA sa National Privacy Commission (NPC) na sineseryoso nila ang proteksyon ng mga personal na impormasyon ng publiko at safe ang lahat ng passport data.

Una rito ay nagpulong ang mga opisyal ng DFA sa NPC officials nang pumutok ang balita ukol sa umanoy data breach.

Sinabi naman ng DFA na walang naganap na data breach sa pasaporte at hindi lang agad na-access ang server mula sa dating kontratista.

Nagpahayag din ang DFA ng kahandaan na makipag-tulungan sa anumang imbestigasyon na ginagawa ukol sa isyu ng passport data.

Read more...