Malakas na ulan ng Bagyong Amang asahan ayon sa Pagasa

Pitong lugar pa rin sa bansa ang nasa ilalim ng Tropical Cyclone Warning Signal No. 1 habang patuloy na tinatahak ng Bagyong Amang ang Northward sa Eastern seaboard ng Easter Samar.

Sa Pagasa Severe Weather Bulletin No. 14 na inilabas alas 3:00 Lunes ng hapon, huling namataan ang Bagyong Amang sa 80 kilometer North Northeast ng Borongan City, Eastern Samar o 120 kilometer East ng Catarman, Northern Samar.

Taglay ng bagyo ang lakas ng hangin na 45 kilometer per hour at bugsong 60 kilometer per hour.

Nasa ilalim ng Signal No. 1 ang Sorsogon, Masbate kabilang ang Ticao Island, Northern Samar, Eastern Samar, Samar, Biliran at Leyte.

Ayon sa Pagasa, Martes ng umaga ay nasa bahagi na ng Catarman, Northern Samar ang Bagyong Amang.

Pinayuhan ang mga residente sa mga lugar na may typhoon signal na mag-ingat sa baha at landslide.

Read more...