Ilang umano’y flying voters nadiskubre sa isang polling precinct sa Cotabato City

Polling place sa Isabela City | Comelec Photo
Nagkaroon ng tensyon sa isang polling precinct sa Cotabato City matapos ang giriin sa pagitan ng dalawang panig.

Ayon sa ilang residente, may mga nadiskubreng flying voters na bumuboto sa Cotabato Chinese Institute.

Ang pagkakadiskubre sa grupo ay nauwi na sa gulo sa pagitan ng dalawang grupo.

Isang botante naman na nagsabing siya ay no read no write ang nagreklamo matapos na gawing “yes” umano ng isang guro ang kaniyang boto na dapat ay “no”.

Ayon naman kay Cotabato City Mayor Cynthia Guiani-Sayadi, magsasampa ng reklamo ang nasabing botante laban sa sangkot na guro.

Sinabi rin ng alkalde na ang mga sangkot na flying voters ay miyembro umano ng MILF.

Read more...