Naging mapayapa sa pangkalahatan ang pagsisimula ng Bangsamoro Organic Law plebiscite ayon sa Philippine National Police.
Ito ay sa kabila ng pagsabog na naganap sa Cotabato City, gabi ng Linggo o ilang oras bago ang pagbubukas ng polling places.
Ayon kay PNP spokesperson Chief Supt, Benigno Durana Jr., maliban sa nasabing insidente ng pagpapasabog ng granada sa bahay ng isang hukom sa Cotabato City at pag-iiwan ng isang granada sa isang tindahan ay wala namang iba pang naitalang untoward incidents sa pagsisimula ng plebisito.
Sinabi ni Durana na naka-standby pa rin ang nas a1,441 na trained policemen para magsilbing board of election inspectors kung kakailanganin.
Sa huling datos ng PNP, mayroong 78 guro ang nag-backout sa pag-akto bilang BEI dahil sa pangamba sa kanilang seguridad.