Naging maayos ang pagbubukas ng botohan para sa ratipikasyon ng Bangsamoro Organic Law (BOL).
Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, as of 9:48 ng umaga kanina ay 100 porsyentong nakapagbukas ang polling places sa BASULTA o Basilan, Sulu at Tawi-Tawi gayundin sa Maguindanao at Isabela City.
97.5 percent naman na nakapagbukas ang polling centers sa Lanao Del Sur habang hinihintay pa ang datos sa Cotabato City.
Sinabi rin ni Jimenez na walang naging problema sa distribusyon ng election paraphernalia at wala aniyang naging kakapusan sa lahat ng election forms.
Ala 1:00 pa lamang ng madaling araw ay sinimulan na ang pamamahagi ng election materials.
Bukod ngayong araw na ito, itinakda ng Comelec ang ikalawang araw ng plebisito sa February 6.