MILF Chairman Al Hajj Murad Ebrahim nakaboto na para sa BOL ratification

Lamitan, Basilan | Inquirer Mindanao Photo – Julie Alipala

Nakaboto na para sa ratipikasyon ng Bangsamoro Organic Law si Moro Islamic Liberation Front Chairman Al Hajj Murad Ebrahim.

Ito ang unang pagkakataon na nakalahok sa democratic process si Murad mula nang sumapi siya sa MILF noong dekada 60.

Bumoto si Murad sa polling precinct sa Barangay Simuay Crossing sa Sultan Kudarat na malapit lamang sa kanilang headquarters at mayroong 3,900 na rehistradong botante.

Kabilang si Murad sa nasa 2 milyong katao sa Cotabato City, Isabela City, Basilan at ARMM na boboto para sa unang araw ng plebisito.

Sa February 6 mulang magkakaroon ng botohan sa bahagi naman ng Lanao Del Norte at ilang bahagi ng North Cotabato.

Read more...