Sa 11:00AM weather bulletin ng PAGASA ang bagyo ay huling namataan sa 40 kilometers North Northeast ng Guiuan, Eastern Samar o 45 kilometers East Southeast ng Borongan City, Eastern Samar.
Taglay pa rin nito ang lakas ng hanging aabot sa 45 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 60 kilometers bawat oras.
Kumikilos ang bagyo sa bilis na 10 kilometers bawat oras sa direksyong pa-Hilaga.
Nakataas ang public storm warning signal number 1 sa sumusunod na lugar:
– Sorsogon
– Masbate
– Ticao Island
– Northern Samar
– Eastern Samar
– Samar
– Biliran
– Leyte
Ayon sa PAGASA, ang bagyo ay maghahatid ng katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan sa Eastern Vosayas at Bicol Region.
Bukas, makararanas din ng malakas na pag-ulan ang Eastern Visayas, Catanduanes, Albay, Sorsogon at Masbate.
Pinag-iingat ng PAGASA amg mga residente sa nabanggit na mga lugar hinggil sa posibilidad ng pagbaha at landslides.