Panukala upang pababain ang age of criminal liability lusot na sa House Committee on Justice

Kuha ni Erwin Aguilon

Lusot na sa komite sa Kamara ang panukalang batas na naglalayong ibaba ang age of criminal liability.

Sa naging deliberasyon lumusot ang panukala na nagbaba sa siyam na taong gulang ang age of criminal liability mula sa kasalukuyang 15 taong gulang.

Sinabi ni Oriental Mindoro Rep. Salvador “Doy” Leachon, pinuno ng komite
na gumagawa ang kongreso ng mga batas upang pangalagaan ang mga bata base na rin sa itinatadhana ng 1987 Constitution.

Napapahon na anya upang magpasa sila ng batas upang pangalagaan ang mga bata laban sa mga sindikato sa gumagamit sa mga ito.

Base anya sa kanilang pag-aaral ginagamit ng mga sindikato ang mga bata upang gumawa ng krimen dahil ligtas ang mga ito sa criminal liability.

Paliwanag nito, 70 taong pinapractice sa bansa na siyam na taon ang age of criminal liability sa ilalim ng Revised Penal Code.

Pero dahil anya sa RA 9344 na naging batas noong 2006 naging 15 taon ang age of criminal liability.

Layon anya ng panukala na baguhin ang mga bata at hindi ikulong saka ibalik sa lipunan kapag nabago na ang mga ito.

Ang mga bata na gagawa ng krimen ay dadalhin sa Bahay Pag-asa, Agricultural Centers at Industrial Parks na pangangasiwaan ng DSWD, BuCor at tesda.

Read more...